Here’s to Second Chances: Anne and Chiro

Here’s to second chances…

This video is from Jason Magbanua and here’s what he posted on his Facebook page:

Ang videong ito…

ay para sa mga taong umibig 
at nabigo
At umibig uli
Para sa mga nasaktan
At nasaktan uli
Para sa hindi nadala
Para sa nawalan ng pag-asa
Baka meron pa. 
Kahit katiting
Sa mga kinasal na 
Pero hindi nag-work-out. 
Sa may mga anak na.
Pero single pa rin.
Para sa naghanap pa
Para sa naghihintay
Para sa nanonood ng wedding video 
Ng mga taong hindi mo naman kilala
Kasi nagbibigay ng saya
Kahit tatlong minuto lang
Kahit para kang tanga
Nakiki-iyak ka, 
Hindi mo naman ka-anu-ano
Para sa mga umaasa pa sa isang happy ending. 

Higit sa lahat, para kay Anne (at Chiro)
Na umibig, nasaktan at sumubok uli.

(At tinupad ang huling pangako sa kanyang Mommy)